Isang araw, galing sa Egyptian Embassy sa Dubai, naisipan kong dumaan sa BurJuman (isa sa malalaking malls sa Dubai) para magkape habang hinihintay ‘yung release ng visa. Walking distance lang ‘yung BurJuman from Egyptian Embassy, ‘yun nga lang ang hirap tumawid sa kino-construct pa lang na metro station dun. One day lang ang release ng visa for Egypt, submit mo sa umaga, makukuha mo na sa hapon. So para hindi naman nakatulala dun sa loob ng embassy, kape-kape muna.
Habang nasa starbucks, nagbabasa ng newspaper at pinapatagal ‘yung kapeng iniinom ko kahit medyo malamig na, may dumaan na isang pinay. Nagkatinginan kami na parang magkakilala, sabay “hi”. Nag-order siya ng take-out pero dumaan ulit sa harap ko.
“Pwedeng maki-upo”
“Ok, lang, basta wag dito sa inuupuan ko na, haha”
Ooops..teka lang, kung anuman 'yung iniisip mong magiging ending nito, mali 'yun, hehe...
Hinihintay daw niya ‘yung kuya nya kaya kung pwede makipagkwentuhan para di mainip. Sabi ok lang kasi nagpapalipas din lang ako ng oras.
“Nag-aapply ka “, tanong nya sa’kin, may dala kasi akong folder.
“Ah hindi, meron na kong trabaho, ganito, blah blah blah” sabi ko.
"Buti ka pa", sabi niya. "Ako nag-aapply pa lang kasi, ‘dami ko ng pinagbigyan ng CV ko. Ang hirap pala dito sa Dubai. Pangalawang visit visa ko na wala pa ‘kong nahahanap na trabaho. Ang liliit ng mga offer. Dami na naming nagastos".
"Buti na lang nga andito ‘yung kuya ko. S'ya yung nagdala sa’kin ditto. Sa hotel sya nagta-trabaho. Maliit lang din ang sweldo pero ok naman. Nakikituloy nga ako sa kanila eh bed space lang din ‘yung tinutuluyan nya, anim sila sa room, nakakahiya tuloy, ilang buwan na rin ako dun, buti na lang din hindi pa nagre-reklamo yung landlady".
"Kawawa nga ‘yung kuya ko eh, minsan tuloy hindi na nakakapagpadala sa pinas. Sya pa naman ang breadwinner dun".
Naputol ang litanya dahil biglang tumunog ang phone niya. May nag-text. Nilabas niya ‘yung phone niya, N95…
Padating na daw ‘yung kuya nya, ni-reply nya para sumunod sa starbucks.
Wala pang 10 minutes, dumating na ‘yung kuya. Nag-order ng kape and as usual, parehong litanya tungkol sa hirap ng buhay sa Dubai, mahal ng renta sa bedspace, mahal ng bilihin, maliit na sweldo, hindi nakakaipon, may loan, simot ang credit card at hindi na nakakapagpadala minsan.
Sa tagal ng pakikinig ko sa sentimiento ng magkapatid, oras na pala para bumalik ako sa Egyptian Embassy. Nagpaalam na ko. Sabi nila, kung free daw ako minsan, sumama naman daw ako gumimik, madalas daw sila sa Chikka Grill. Naisip ko bigla, ang hirap nga pala talaga ng buhay sa Dubai.
Hindi ako maka-oo, so sabi ko, kunin na lang nila ‘yung number ko, at kung nasa Dubai ako at available din lang, susunod ako kung sa’n sila mag-invite.
Binigay ko yung number ko, at ‘yung kuya, para ma-save ko din daw ‘yung number nya, nag-miss call sa’kin….from his Iphone.
Ikaw, gusto mo din bang magtrabaho sa Dubai??? Mahirap daw….
Wow
12 years ago
0 comments:
Post a Comment