Travel light...yan ang palagi kong advice sa sarili ko para relax and buong journey, kaya lang hindi pa rin maiwasan na may mga pang-asar na dumadating:
Nakapila pa lang sa luggage x-ray, bakit binabangga ako ng trolley nung mamang nasa likod ko...makuha ka sa isang tingin.
Bagong biling luggage, matagal pinag-isipan kung papatulan yung presyo, ok napag-desisyunan na bilihin at gamitin na, paglabas sa x-ray, lalagyan ng sticker (baggage checked) na napakahirap tanggalin. Pero matatanggal din, maiiwan nga lang yung pandikit nito.
Check-in...mahaba ang pila. Lipat ako sa kabila, yung iniwanan kong pila, biglang bibilis. Kasi 'yung nilipatan ko, biglang may pasaherong may problema sa visa, reservation, etc. Kulang pa 'yun, aalis pa yung counter clerk para ipa-check sa supervisor nila yung problema. Di ba pwedeng yung supervisor na lang yung lumapit?
Para mabilis ang check-in, iipit ko 'yung e-ticket ko sa passport page na may visa ng bansang pupuntahan ko, huhugutin ng clerk 'yung ticket, magpi-pindot sa computer at tatanungin ako, "saan dito yung visa mo?"
Aisle seat please...
Passport control...pila ulit, wag na lang lumipat kasi dalawa lang ang mangyayari, yung aalisan ko bibilis, yung lilipatan ko babagal.
Salamat at may E-gate na sa UAE.
X-ray ulit- ang tagal matapos nung nauna sa'kin, kasi hindi sya ready, tunog ng tunog 'yung sensor, hanggang sa pinaalis na pati sapatos...
Ako naman..para ready, alisin na yung watch, wallet, coins, susi, belt...alam ko na 'yan, ready na ko lagi. Pero minsan, ilang beses akong pinabalik ng security sa sensor door kasi tunog ako ng tunog, according to my checklist, inalis ko na lahat ng mga tumutunog. Syempre, naasar na rin 'yung mga sumusunod sa'kin. Ganti-gantihan lang. Cuff links pala...tumutunog din pala, ngeh...
Boarding..."We are now boarding all passengers assigned in Zones E&F", biglang nagtakbuhan lahat ng pasahero (lalo na 'yung mga...ay wag na lang pala sabihin kung taga-saan). Hindi na ko makikigulo, mauna na kayo. Di naman aalis 'yung eroplano ng di ako kasama.
Sa loob na ng aircraft...may nanunulak na naman, mauna ka na nga...please!
15C, aisle seat as requested. 12.....13.....14....15....puno na ang overhead compartment. Ok lang pwede naman "under the seat infront of you"... "Sir nasa may emergency exit po kayo, di pwedeng naka-block 'yung passage". Bakit naka-block ba?
15C, aisle seat as requested. 12.....13.....14....15....C...may nakaupo na. "Excuse me, that is my seat". Sagot niya "I know" (asar lalo da'ba?), I am with my family, we like to seat together". Ok, sana sinabi mo 'yan nung nagche-check-in ka pa lang...
Flight attendant with a smile (kahit asar na rin), "sir I'll find you another seat". Pasalamat ako syempre, kahit napunta ko between aisle seat and window seat...buntong-hininga na lang...
"We will be happy to serve you hot food in a short while". Kawawa naman 'yung mga flight attendants, sa isang kisap-mata, biglang mga naka-apron na, nakangiti pa rin, at magse-serve na ng pagkain. Tagal dumating sa'kin. And finally "Chicken with pasta or beef with rice, sir?". I'll have chicken...FA checks and says "sorry sir, no more chicken"....ang sarap ng beef.
During the flight, pag gustong mag-CR ng nsa window seat, tatayo ako...pag gusto ko mag-CR, tatayo rin yung nsa aisle seat.
Nasa CR. Merong tulak ng tulak ng pinto eh nakalagay na nga "occupied" kulay red pa.
Landing.."Please remain seated with your seatbelt fastened until the aircraft has come to a complete stop". Ewan ko ba kung bakit ang hirap intindihin ng pangungusap na yan...
And finally, out of the aircraft...buntong hininga ulit at pasalamat na nalagpasan lahat ng pagsubok...
Sabay litaw ng angel dela guardia "hindi ka pa tapos, may immigration procedures pa"....
Isa pa, bakit parang luggage ko yata 'yung palaging huling lumalabas...?
Marami pa, kung meron kang ibang naranasan na pang-asar, dagdag mo na lang....
Wow
12 years ago
1 comments:
parang kaharap lang kita, nagku-kwento sa personal.. hahaha..
keep it up!
Happy New Year!
Post a Comment